Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amazing: Tupa akala siya ay aso

083014 AMAZINGNAGING viral sa internet ang video ng isang tupa na akala ay isa siyang aso.

Mahigit 310,000 katao na ang nakapanood sa video ng 10-buwan gulang na tupa na si Pet habang nakikipaglaro sa mga asong border collies.

Sinabi ng amo niyang si Mairi McKenzie, may farm sa Scottish Highlands, ang kakaibang pag-uugali ni Pet ay resulta ng pamumuhay kasama ng sheep dogs.

Ang tupa ay dinala sa farmhouse nitong nakaraang taon ni McKenzie makaraan akalaing hindi magtatagal ang buhay dahil sa kanyang pagiging maliit.

Lumaki ang tupa kasama ng farm dogs at sa kasalukuyan ay parang aso na rin siya sa kanyang pag-uugali at pagkilos.

Malapit sa isa’t isa si Pet at ang kanyang adoptive parents na mga aso, kumakain sila at natutulog nang magkakasama.

Sinabi ni Ms McKenzie, 51, “She’s a right character. I’ve never seen anything like this before – it’s really unusual.

“She bonded with the dogs and they accepted her as one of them. She’s still a wee bit wobbly but loves to hop, skip and jump around.” (ORANGE QUIRKY NEWS)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

SM Womens Month

SM Supermalls’ 6th International Women’s Summit Honors Women’s Excellence and Ingenuity

Women leaders, advocates, and allies gather at your most loved mall, SM for SM Supermalls’ …

SM Only Begotten Son

SM Mall of Asia Opens “The Only Begotten Son” at MOA Sky this Lenten Season

In a season marked by silence, sacrifice, and hope, SM Mall of Asia invites the …

SM Nuat Thai Chagee Tianlala

ALL FOR REAL: Best New Finds in Metro Manila with SM Supermalls

In life, we want nothing more than REALNESS. We cling to those who show true …

Katarungan Center Deed of Usufruct Laguna Sol Aragones

Katarungan Center natugunan sa Deed of Usufruct ng Laguna 

SA PAMAMAGITAN ng isang usufruct deed, ang lalawigan ng Laguna ay pormal na nakakuha ng …