Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Ferdinand Topacio, Claudine at Raymart magkikita-kita sa korte sa Valentines Day (Sa Araw ng mga Puso ang hearing!)

??????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????

00 vongga chika peterLAST Tuesday, kasama ang amiga naming si Pete A at Abe Paulite, naimbitahan kami ng aming entertainment editor sa X Files na si Ms. Anne V. ng BFF at labs naming si Atty. Ferdinand Topacio para sa malaking Art Exhibit ng kaibigan niyang Kapuso TV and movie director na si Louie Ignacio.

Ginanap ang nasabing event sa Gallery Anna na nasa 2nd floor ng SM Megamall Bldg A na dinaluhan ng ilang artista at singers kabilang na ang kaibigan ni Atty. Ferdie, na si Deniece Cornejo, na pinagkaguluhan ng photographers; Alessandra de Rossi, Gladys Reyes, Thess Bomb, mga kasamahang director tulad ni Joel Lamangan, Gil Portes, Arman Reyes, Atty. Annette Gozon-Abogar (Presidente ng GMA Films), Ma’am Wilma Galvante (Head of TV 5 Entertainment Division) at siyempre pa ng mga pamosong painter na ilang dekada na sa field na ito.

Sa dami ng magagandang paintings ni Direk Louie ay wala kang itulak kabigin at very proud sa kanya si Atty. Ferdie sa achievement niyang ito na bumili siyempre ng kanyang painting. Isa pala ang kaibigan naming abogado sa nag-cut ng ribbon sa nasabing art exhibit kasama sina Ma’am Annette, Ma’am Wilma, Deniece, Joyce Tan (stylist) at painter na si Romalo Galicano.

Samantala dahil sa iba’t ibang impresyon o interpretasyon ng mga nakabasa sa social media at tabloids sa napabalitang pagre-resign ni Atty. Topacio sa kaibigan at kliyenteng si Claudine Barretto na ‘yung iba ay pabor sa abogado dahil tama lang daw na iwan niya si Clau, at meron din namang mga naghihinayang sa samahan ng dalawa. Para sa ikalilinaw at ikatatahimik ng lahat ay nagpa-unlak na ng interview ang nasabing Lawyer for All Seasons sa sikat at masipag na publicist at kapamilya ng Gutierrez family at iba pang mga big celebrities na si Jun Lalin, na isa sa angel namin ngayon. Narito ang mga naging statement ni Atty. Ferdie sa isyu. Sinabi niyang ‘yung kaso lang daw ni Claudine sa mga katulong na nagdemanda sa aktres at idinemanda rin naman niya ang kanyang binitiwang kaso. “Kami pa rin ni Claudine. Linawin ko lang, ako pa rin ang legal counsel niya sa mga kaso nila ni Raymart. Hindi naman totoo ‘yung iniwan ko na si Claudine as client,” patotoo ng sikat at pinag-uusapang abogado sa bansa.

So ang totoo, ‘yung sa dalawang maid lang ang binitiwan ng Law firm ni attorney, “Sa simula pa lang naman kasi, malinaw na kay Claudine ‘yon. May ibang legal counsel din kasi si Claudine sa mga kasong ‘yon before, nang magbitiw, pansamantalang hinawakan

ng law firm ko, pero nag-usap naman kami ni Claudine at may ibang legal counsel rin naman na kausap siya na hahawak ng mga kasong ‘yon,” malinaw na pahayag ni Atty. Topacio.

Kung hindi man sila nagkikitang madalas ngayon ni Clau ay sinisiguro ng mahal naming abogado sa lahat na hanggang ngayon ay okey sila ng actress na malapit nang mag-comeback sa showbiz. “Si Claudine, hindi lang naman kasi client, kaibigan ko rin naman ‘yan at wala kaming problema. Ang alam ko, busy rin siya ngayon sa paghahanda sa pelikulang pagsasamahan nila ni Juday (Judy Ann Santos) sa Star Cinema. May isa pa siyang indie movie na gagawin, kaya busy rin naman ‘yung tao. Ako rin naman marami rin cases na inaasikaso ngayon. “Mali lang talaga ang akala ng iba na binitiwan ko na bilang client si Claudine. In fact, magkikita kaming dalawa sa February 14 (eksaktong Valentine’s day) dahil may hearing ‘yung case nila ni Raymart,” paliwanag ni Atty. Ferdie sa nasabing eksklusibong panayam sa kanya ni Jun.

Very, very well said gyud!

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …