Thursday , June 4 2026

Ex-mayor sugatan sa ambush (Witness sa Nov. 23 massacre)

121214 akmad ampatuanCOTABATO – Mariing kinondena ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang pananambang sa dating alkalde ng Maguindanao na testigo sa karumal-dumal na masaker noong Nobyembre 29, 2009.

Kinilala ang biktimang si Ex-Datu Salibo Mayor Datu Akmad Ampatuan, ama ni Shariff Aguak Municipal Mayor Marop Ampatuan.

Sinabi ni Maguindanao PNP provincial director, Senior Supt. Rudelio Jocson, lulan ang biktima sa kanyang Hilux pick-up kasama ang kanyang mga kamag-anak mula sa Cotabato City pauwi ng kanyang tahanan ngunit pagsapit niya sa Brgy. Macasampen, Guindulungan, Maguindanao ay pinaputukan siya ng hindi nakilalang armadong kalalakihan.

Kahit sugatan si Mayor Ampatuan at dalawa niyang mga kasamahan ay nagawa ng driver na patakbuhin ang kanilang pick-up patungong Maguindanao Provincial Hospital.

Ligtas si Mayor Ampatuan na nasugatan sa kanyang kamay.

Away sa politika o gusto lamang patahimikin si Ampatuan sa pagtestigo niya sa Maguindanao massacre, ang posibleng motibo sa pananambang.

Inatasan na ni Mangudadatu ang pulisya na paigtingin pa ang kanilang imbestigasyon sa naturang pangyayari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …