Thursday , June 4 2026

10-anyos Totoy nilamon ng ilog

121014 ilogATIMONAN, Quezon – Hindi pa rin natatagpuan ang 10-anyos batang lalaki na pinaniniwalang nalunod sa ilog sa kasagsagan ng bagyo sa Brgy. Caridad ng bayang ito kamakalawa.

Sa ipinadalang report ng Atimonan PNP sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City, sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial Director, kinilala ang biktimang si Aries Espilenburgo Mercadejas, residente sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 12:30 p.m. kamakalawa, nagtungo ang biktima sa tabing ilog malapit sa Lavidez Bridge upang mamulot ng naanod na niyog.

Ngunit minalas na madulas kaya nahulog sa ilog at tinangay ng malakas na agos.

Patuloy na pinaghahanap ng rescue team ang biktima.

Raffy Sarnate

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …