Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

U2 at Militia sa QC, dapat bantayan ni VM Joy

00 aksyon almarGRANDEUR sauna bath kahit na anong lakas nito noon sa Quezon City Business Permit Licensing Office ay hindi umubra ang kanilang padrino sa bagsik ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Wala nagawa ang mga patong na padrino mulang BPLO nang ipag-utos ni VM na na isara agad ang sauna bath na prente ng talamak na prostitusyon.

Bago ipinasara ni VM Joy ang Granduer, pinangunahan muna niya ang pagsalakay sa sauna bath makaraang makatanggap ng info na isang prosti den ang Grandeur.

Sa pagsalakay, tumambad kay VM Joy ang mga babaeng masahista na pawang nakatapis lang ng tuwalya sa pagbibigay serbisyo sa kanilang mga manyakis na lalaking kustomer.

Hindi lang ito ang natuklasan ng babaeng alkalde kundi may mga narekober pang nagkalat na mga gamit nang condom.

Kaya hayun, isa lang ang ibig sabihin ng mga ebidensiyang narekober sa “crime scene” tadtaran ng buhay na lalaki. Prente ng prostitusyon ang Grandeur.

Dahil sa mga ebidensya, agad ipinag-utos ni VM Joy ang closure order laban sa tambayan ng mahihilig na kung magpunta sa lugar ay pinatatakpan sa mga parking boy ng establisimiyento ang plaka ng kanilang sasakyan para hindi makilala. Mahirap na raw baka biglang mapadaan ang sasakyan ni misis sa lugar o ng mga kakilala. Buking ‘pag nagkataon.

Ngayon, bukas uli ang establisimiyento este, mali kundi bukas na uli ang lugar pero iba na ang pangalan at iba na yata ang nagmamay-ari.

Ang tanong ay isa nga rin bang prente ng prostitusyon ang bagong bukas na ang ipinangalan dito ay ‘U2’ sauna bath?

Totoo nga kayang health clinic itong U2 na makikita sa Timog Avenue, Brgy. Sacred Heart? Hindi kaya isa ring itong prente ng prostitusyon tulad ng Grandeur noon?

Madame VM Joy, mukha yatang hinahamon uli ang inyong katapangan ha. Dapat siguro na inyong manmanan itong U2 na hawak ng ilang gago diyan sa BPLO. Bantayan at baka pareho lang din ang laman ng negosyong ito sa nabuko niyong laman ng Grandeur. Prente nga ba ng prosti ang U2?

Hindi lang ang U2 na hawak ng ilang tarantado sa BPLO ang nanghahamon sa inyong kakayahan Madame VM Joy kundi maging itong bagong bukas din na MILITIA sa Esguerra St., Brgy. South Triangle.

Ang MILITIA ay isa rin sauna bath at binigyan ito ng permiso ng BPLO. Ganoon din ang permiso noon ng Grandeur pero isa palang prosti den ang Grandeur kaya, dapat Madame na inyo rin bantayan ang MILITIA. Hindi ko naman sinasabing prente ito ng prosti ang MILITIA pero, isa lang naman itong sauna bath. Kaya alam n’yo na madame ang inyong gawin. Ano pa man Madame VM Joy, paghandaan din ninyo na tulungan ang mga kababaihang masahista rito. Huwag nang hintayin pang mangyari ang tulad ng natuklasan ninyo sa Gradeur.

Kunsabagay, infairness ha baka naman totoong sauna o health clinic ang U2 at MILITIA. Ganun?

Abangan na lang natin Madame VM Joy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …