Thursday , June 4 2026

Pong Biazon sa Senado

00 BANAT alvinMARAPAT lamang nating ibalik ang matapat at may prinsipyong senador na si Pong Biazon sa Senado.

Kakaiba kasi ang estilo ng mama sa pagli-lingkod bayan kahit sa pagsisiwalat ng mga isyu sa Mataas at Mababang Kapulungan.

Bukod kasi sa angking karisma ang matandang Biazon, mayroon rin siyang estilo na kakaiba na kahit galit ka na ay hindi ka pa rin makukuhang mapikon sa dating heneral ng bansa.

Hindi katulad ngayon na sa halip na umangat ang rating nina Senador Alan Cayetano at Antonio Trillanes sa taumbayan ay lalo pang bumagsak dahil alam ng mamamayan ang kanilang motibo at higit sa lahat ay ayaw ng madla ang estilong nambubuli.

Malinaw na maganda ang track record ni Pong Biazon sa Senado at iyan ay pinatunayan ng kanyang mga nagawang batas tulad ng Anti Trafficking in Persons Act; batas na nagre-reporma sa pagpaparenta; batas para sa modernisas-yon ng Armed Forces; batas na nag-amyenda sa membership ng Pag-ibig Fund, batas sa pagtatayo ng UP Mindanao, batas na nagtatag ng Caraga Region at iba pa.

Maliwanag sa adbokasiya ni Pong Biazon na ang lahat ng problema ay kanyang tinutugunan at iyan ang pangunahing dahilan para ibalik siya sa Senado.

Nagmula sa hirap at alam ang buhay ng mahirap kaya’t salat niya ang problema ng mga anakpawis na dapat gawing prioridad ng pamahalaan.

Maging sa pagiging sundalo bagaman Class goat ng kanyang klase sa PMA ay pinatunayan niyang kaya niyang pamunuan ang buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas na siyang nagdala sa kanya sa Senado dahil sa pagtatanggol niya sa ilang kudeta kay dating pangulong Cory Aquino.

Malinaw na may dedikasyon at tapang sa tamang adhikain ang matandang Biazon at iyan ang dapat nating panghawakan para ibalik natin siya sa Mataas na Kapulungan.

Pera ang kakulangan ng matandang Biazon at iyan ang ating pagtulungan dahil uhaw na ang abyan sa tunay na lingkod bayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …