Thursday , June 4 2026

Are they liberated or not?

00 pitik tisoyANG unang group ng mga customs official na ibinartolina ‘este galing sa CUSTOMS POLICY RESEARCH OFFICE (CPRO) ay binalik na sa Bureau of Customs after one year of confinement to some research work daw sa ilalim ng Department of Finance (DOF).

Kung inyong matatandaan, naging kapalit nila sa kanilang position ang retired generals na gumagawa ng trabaho nila dapat sa BoC.

Pero mukhang hindi mapanatag ang kalooban ni Finance Secretary Cesar Purisima at ng Commissioner of Customs John Sevilla kaya naman they created another unit, kung saan ilalagay ang mga ibinalik na customs officials sa Customs monitoring unit (CMU) located sa CRIC BUILDING sa Port of Manila to do some researching again to help in the reform program by the government.

Ang siste, bakit napakahirap daw bumisita sa mga opisyal na para bang bumibisita sa isang kriminal or inmate sa Muntinlupa? Napakahigpit ng mga nagbabantay sa kanila. Ano ba ang dahilan at ganyan ang trato sa kanila?

May dapat bang hindi malaman ang taong bayan sa kanila?

But under the civil service law after one year detailed outside the bureau ay dapat ibalik muli ang isang government official sa kanyang puwesto pero hindi nasusunod ‘yan hanggang ngayon.

How long (again) will they stay sa CMU? Another one year na naman ba silang magdudusa?

Hindi ba naba-violate ang kanilang civil rights as a Customs career official?

Mukhang hindi na tuwid ang daan na ito ‘di ba?

Ricky ‘Tisoy’ Carvajal

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …