palipIlang buwan din pinag-aralan kung papaano mabubuwag ang sindikato ng smuggling ng mga mamahaling sports utility vehicle (SUV) at mamahaling mga kotseng mula Amerika, tila buking na ngayon ng Intelligence Group sa ilalim ni Deputy Commissioner Jessie Dellosa.
Sa kanyang ginawang coordination sa counterpart ng Bureau of Customs sa bansang Amerika, ang dahilan pala ng mga smuggling sa bansa mula nga sa Amerika tulad ng Lamborghini, Porsche, Chedeng, Range Rover, Ferrari at Jaguar na talagang malaki ang ad valorem (excise tax) o bukod pa sa value added tax na 12 percent, .
Pero labis-labis na pagkudos sa IG sa ilalim ni Depcom Dellosa, ang nasabing buwis na aabot sa 42 percent lahat kung tutuusin ng mga sindikato. Ang lumalabas na mga utak daw ay dalawang dating minor official ng Bureau.
Dalawa sa mga utak ay isang nagngangalang “Berloy” at isang “Gener” na parehong mga mutli-millionair na. Dapat lang habulin ngayon ng BIR , o kaya ng 0mbudsman sapagkat ang mga nakamal nilang smuggling money ay nangyari nang sila ay nasa service pa. Paging BIR taxmen.
Sina aka “Beroy” at aka “ Gener Bukirin” ay mga notorious noong time nila. Mayroon silang sariling parating. ‘Yung aka Beroy ay expert kuno sa mga smuggled car. Si aka Gener Bukirin ay may sariling smuggling front at may hawak na smugglers. Expert sa oil smuggling na talagang milyon- milyon ang kinita. Nakapagtataka nga na hanggang ngayon mahigpit ang bagong pamunuan sa ilalim ni Commissioner Sevilla, namama-yagpag pa sila. Balita pa, isang mataas na opisyal ng Bureau ang kanilang kasabwat.
Tsk tsk tsk …
Kudos kina Depcom Dellosa sa pagkabuwag ng sindikato nina aka Beroy at aka Gener.
Dapat din bantayan nina Depcom ang mga imported and expensive SUVs at sports cars mula sa Dubai.
Talasan ninyo ang inyong mga mata mga taga-Intel.
Arnold Atadero