Thursday , June 4 2026

Promulgation ng 11.23.09 Massacre malabo sa 2016

080814 Ampatuan Maguindanao moneyDUDA ang Department of Justice (DoJ) na kakayanin bago ang 2016 na makapaglabas ng desisyon ang korte sa kaso ng Maguindanao massacre.

Magugunitang unang sinabi ng DoJ na target ang conviction sa kaso bago ang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Benigno Aquino III.

Kahit aniya sa mga pangunahing akusado o sa mga miyembro ng Ampatuan clan ay mahihirapan silang makatiyak ng hatol kahit anong pagpupursige ang kanilang gawin.

Paliwanag ni De Lima, nasa hukuman na ang kaso kaya limitado na ang kanilang magagawa at mahirap para sa kanilang panig na ipangako ang bagay na hindi nila kontrolado.

Magugunitang itinigil na ng prosekusyon ang paglalahad ng testigo at ebidensiya noong Agosto na nag-ugat sa bangayan ng public at ilang private prosecutors.

Ang kaso ng pagkakapatay sa 58 katao, kasama ang 32 miyembro ng media, ay gugunitain sa Nobyembre 23 para sa ika-limang taon makaraan ang malagim na Maguindanao massacre sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …