Wednesday , June 24 2026

Lola, 68, utas sa 17-anyos binatilyo

081214 Stab deaddeadPINATAY ng 17-anyos binatilyo ang isang 68-anyos lola makaraan mapagkamalan na magnanakaw sa eskinita sa Brgy. North Fairview, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Violeta Garcia, duguan ang ulo at nangingitim ang leeg na mistulang sinakal at nakalilis ang leggings nang makitang nakahandusay malapit sa kanyang bahay kahapon ng madaling- araw. Lumitaw sa pagsusuri na namatay sa saksak ang biktima.

Ayon sa panganay na anak ng biktima, nag-inoman sila kamakalawa ng gabi ng kanyang ina at ilang kapatid. Ngunit umalis ang kanilang ina at hinanap nila dakong hatinggabi ngunit hindi nakita.

Dinampot ng mga barangay tanod ang isang 17-anyos at pagdating sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ay umamin sa pagpatay sa matanda.

Kwento ng menor de edad, pinagkamalan niyang magnanakaw ang lola kaya napatay niya.

Sinabi ng mga tanod na maraming kabataan ang gumagamit ng illegal na droga sa kanilang lugar.

Nai-turn over na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang binatilyo ngunit tuloy pa rin ang pagsasampa ng kaso at ipauubaya na sa korte ang pagpapapanagot sa krimen.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …