Thursday , June 4 2026

Beauty queen, 16, dinukot itinapon sa Sorsogon

111114 rapeLEGAZPI CITY – Hindi pa rin makausap ang 16-anyos dalagita makaraan ang masaklap na sinapit mula sa mga dumukot sa kanya sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa salaysay ng mga saksi, huling nakita ang biktimang itinago lamang sa pangalang “Airee’’ sa isang computer shop at tinutukso ng ilang mga kalalakihan doon bago nangyari ang pagkawala.

Kinaumagahan, natagpuan na lamang ang biktima ng kanyang pinsan na nakahiga at nakatali ng masking tape ang mga paa, duguan at puno ng laslas ng razor blade ang mga braso malapit sa isang kapilya sa Brgy. Luneta, bayan ng Barcelona.

Napag-alaman, nagsimulang makatanggap ng bastos na mga text message si “Aireen” makaraang manalo sa school beauty pageant.

Nag-iwan pa ng banta ang mga suspek na isinulat sa kanang binti ng dalagita gamit ang pentel pen at nakasaad ang mga katagang “Warning pa lang ito, sa susunod ay patay na siya tulad ng nangyari sa rape slay victim na si teacher Roda Fortes ng Bulusan, Sorsogon.”

Dahil dito, hindi isinasantabi ng mga awtoridad ang anggulong pinagsamantalahan ang dalagita.

Sa ngayon, isinasailalim muna sa counselling ang biktima habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan ng mga responsable sa krimen.

Beth Julian

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …