ARESTADO ng mga operatiba ng PDEA Regional Office-NCR ang suspek na si Jervy Lagasca makaraan makompiskahan ng kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon sa buy-bust operation sa Pasay City. (ALEX MENDOZA)
BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang drug pusher sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Pasay.
Ang suspek ay kinilala ni NCR-PDEA Director Atty. Jack De Guzman na si Jervy Lagasca, alyas Jerry, 28, ng Sampaloc, Manila.
Nakuha mula sa pag-iingat ni Lagasca ang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon.
Ayon kay Pasay City Police chief, Senior Supt. Melchor Reyes , nakipag-coordinate ang mga tauhan ng PDEA sa kanilang tanggapan at dakong 5 a.m. nang isagawa ang buy-bust operation sa Diokno Drive Side Boulevard, sa likod ng Mall of Asia (MOA).
(JAJA GARCIA)