Monday , December 23 2024

Ibang klaseng kaibigan si Luis Manzano

092714 luis manzano pete

00 banat pete ampoloquioSa dinami-rami ng mga aktor sa show business, Luis Manzano has always been one of our sentimental fave. Bagama’t hindi naman kami mega-close, sa tuwing makikita namin siya sa mga showbiz sosyalan, lagi na’y napaka-sweet niya at laging nakangiti.

Kung ang ibang aktor like his bossom buddy Billy Crawford ay super detached at parang may chronic amnesia, (may chronic amnesia raw talaga, o! Hahahahahahaha!), si Luis ay mapupuri mong talaga ang ganda ng PR at husay makisama.

Sa totoo, he’s one of the most amiable and well-bred ctor this side of Hollywood.

Honestly, wala siyang kaere-ere at nakuha talaga ang terrific PR ng kanyang dad na si Edu Manzano.

Anyway, sa Hug Me campaign ng Psoriasis Philippines the other day, talaga namang he took time out from his hectic working sched just to support a friend who’s afflicted with the dreadful skin ailment that’s not in any way contagious.

Frontliner sa campaign na ‘to ay sina Paolo Bediones (who’s a self-confessed psoriasis afflicted victim) at Ms. Aiko Melendez.

Kung ang ibang tao ay saksakan ng aarte at tipong nandidiri sa mga taong may psoriasis, si Luis ay napaka-sweet pa sa kanyang kaibigan to the point that he was most caring and loving of him.

 

SA MGA BARANGAY NA LANG NAGSO-SHOW!

Hahahahahahahahaha! How so very pathe-tic.

Dati-rati, sa malalaking venues kung mag-show ang sexy comedienne na ‘to at lagi na’y SRO. But the passing of years has considerably dimmed her popularity, along with her beauty.

Kaya sa ngayon, dahil nilalangaw na sa malalaking venues at kahit na nga ang pinakahuling pelikula niya’y timbog talaga, how so very amu-sing na sa mga intimate venues na lang daw sa mga barangays nagso-show ang lola natin. Hahahahahahahahahaha!

Ang nakalulungkot pa, lonely and very much afraid ang lola dahil ramdam niya’y nasa twilight zone na nga siya at wala pang nagmamahal sa kanya.

How so very pathetic!Ang nakababaliw pa, siya na nga ang ginagawang sugar mommy kaya ang savings niya at mga andalu ay unti-unting natitigok na.

So nakahahabag namang tunay.

 

“BE CAREFUL WITH MY HEART SOAP, HANGGANG NOVEMBER NA LANG!

After lording it out for almost two years as the soap opera to beat in the morning slot of ABS CBN, finally ay magbababu na pala sa ere ang isa sa pinaka-enduring at successful na soap operas sa Pinas lately, ang Be Careful With my Heart that’s being headlined by the formidable tandem of Jodi Sta. Maria who deli-neates the good-natured Maya, and Richard Yap as the cool and intelligent Ser Chief.

Nostalgic naturalmente ang buong cast dahil dalawang taon nga namang humataw sila sa era and meeting its end on the 3rd week of November is pretty devastating.

Anyway, isang malaking accomplishment ng buong grupo na up to the very end ay hataw talaga sa rating ang kanilang soap.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

 

ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *