Death penalty dapat na ba talagang ibalik!?

00 Bulabugin jerry yap jsyWALA na nga sigurong ibang mapagpipilian pa ang lipunan ngayon kundi ibalik ang DEATH PENALTY o parusang kamatayan.

Alam natin na maraming tumututol dito lalo na ang human rights advocates at inirerespeto natin ang kanilang posisyon.

Pero sa dami ng sunod-sunod na karumal-dumal na krimen, na ang karamihan ng mga biktima ay babae, matanda at bata na tila hindi nabibigyan ng proteksiyon ng pulisya palagay natin ay dapat na talagang gamitin ang โ€˜pangilโ€™ ng batas.

Karamihan ng nagaganap na krimen ngayon ay drug related. Kaya imumungkahi natin na unahin nang isalang sa bitayan ang mga bigtime drug lord na naririyan sa Bilibid.

Lalo na โ€˜yan mga dayuhang Tsino na nagluluto ng shabu sa ating bansa!

Hindi lingid sa lahat, na kahit nasa Bilibid na โ€˜yang mga notorious drug lord na โ€˜yan ay nakapangangalakal pa rin ng ilegal na droga sa pamamagitan ng mobile cellphone/iPhone.

Hindi baโ€™t nakapagpapa-ospital pa nga at nakapagpapakuha pa ng starlet?!

Huwag na natin bulagin ang ating mga sarili. Tayong nakauunawa ng humanidad ay kayang ipagtanggol ang ating sarili.

Paano โ€˜yung maliliit nating kababayan na dahil sa sobrang kawalan ng oportunidad sa buhay ay itinuring na lang nilang kaaba-aba ang kanilang sarili at hinahayaang maagrabyado sila ng kanilang kapwa kahit buhay na nga nila ang nilalapstangan?!

Hindi sila naipagtatanggol ng mga pulis na kanilang nilalapitan โ€ฆ sino ngayon ang dapat na magtanggol sa kanila?

Wala na tayong makitang deterrent laban sa mga pusakal na kriminal kundi ang pangil ng batas laban sa mga buhay na mapang-abuso.

Mga kagalang-galang na mambabatas (congressmen at senators), โ€˜wag na kayong magpatawing-tawing pa at hintayin na kayo mismo o ang pamilya ninyo ang kasunod na biktima.

Ibalik ang death penalty laban sa hardened and notorious criminals!

 

[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]