NASA audience lamang ang dati ay siyang laging star ng mga Bench fashion show na si Richard Gomez, pero kapansin-pansin ang dami pa ring lumalapit sa kanya para kunan siya ng picture. Palagay namin kung rumampa pa si Goma, mas matinding palakpakan pa ang makukuha niya roon kaysa ibang mga mas batang artista. Kasi si Goma naman naka-maintain ng katawan niya eh. Hindi kagaya ng iba na bata pa pero parang laos na ang dating.
Napapansin din iyong mga sikat na models, lalo na nga si John Spainhour na mukhang siya ang may pinakamaraming exposure sa lahat ng models noon. Pero kung kami ang tatanungin, natural mas kakatigan namin ang mga model na Filipino, at masasabi ngang siguro ang naging pinaka-impressive roon ay sina Dennis at Tom pero hindi pa rin nila tatalunin iyong mga acrobat eh. Talagang magagaling ang mga iyon.