Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarili nabaril 7-anyos tigok

072314 gun dead

BAGUIO CITY – Patay ang 7-anyos batang lalaki nang aksidenteng mabaril ang sarili sa Km5, Pico, La Trinidad, Benguet kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Cllezer Jones Mangoyao, estudyante ng Central Buyagan Elementary School, at residente sa naturang lugar.

Ayon kay S/Insp. Anderson Mauricio, chief investigator ng naturang kaso, isang paltik o homemade na baril paltog o single shot firearm na pag-aari ng nobyo ng ina ng biktima, ang nilaro ng bata at aksidenteng naiputok sa sarili.

Tumama ang bala ng paltik sa dibdib ng biktima at tumagos sa kanyang likod.

Sa salaysay ng ina ng biktima na si Leticia Mangoyao, pinaghahanda niya ang kanyang anak para pumasok sa paaralan ngunit ayaw ng paslit.

Habang nagsusuklay ay bigla na lamang nakarinig si Aling Leticia ng putok ng baril at nang tingnan ang kanyang anak ay nakahandusay sa sahig at duguan.

Agad dinala ang bata sa Benguet General Hospital ngunit idineklarang patay na.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …