PARA sa mga bata, ang bedroom at playroom ay magkapareho lamang, at obvious ang kahalagahan dito ng pagkakaroon ng good feng shui, at ang pagpapanatili na malinis ang clutter-free ang kwartong ito.
Taliwas sa paniniwala, ang kalat sa children’s room ay madaling alisin. Magtakda ng clutter clearing system at manatili rito, at tiyak na ikaw ay mamangha kung paano tutulong ang mga bata kapag nasanay mo na sila sa feng shui routine.
Bunsod ng mga bagay na nais ilagay ng mga bata sa kanilang kwarto, mahalaga ang pagkakaroon ng mataas na level ng oxygen. Ang pagkakaroon ng air-purifying plants, katulad ng peace lily, areca palm, English ivy, etc ay mainam na ideya.
Narito ang feng shui guidelines para sa child’s bedroom.
*Ang kama ay hindi dapat masyadong malapit sa bintana, may solid wall sa likod at may good high headboard.
*Ang kama ay dapat nasa solid wood bed frame at dapat 20-30 cm mula sa sahig, at may clear space sa ilalim nito.
Dapat ay walang salamin o high reflective surfaces na nakaharap sa kama.
Ang paglikha ng happy, fun and healthy environment para sa mga bata ay mahirap na tungkulin ngunit nakagagaan ng pakiramdam.
Lady Choi