00 zodiac

Aries (April 18-May 13) Ikaw ay may malakas na creative component sa iyong personalidad. Dapat mo itong gamitin.

Taurus (May 13-June 21) Ikaw ay highly sensitive at highly intellectual. Sa kombinasyong ito ay maaari kang maging superstar.

Gemini (June 21-July 20) Maaaring naisin mong manatili na lamang na nakahiga ngayon at matulog hangga’t gusto mo.

Cancer (July 20-Aug. 10) Maraming offer na dumarating sa iyo. Naniniwala sila sa iyong kakayahan.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Aminin mo man o hindi, para ka pa ring bata na nais na inaaruga.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ituring ang araw ngayon bilang well-earned rest day. Sulitin ito.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Suriin ang nakaraang mga buwan at makikita mong higit ang iyong atensyon sa trabaho kaysa iyong mga mahal sa buhay.

Scorpio (Nov. 23-29) Mag-isip muna bago magkomento lalo na kung nakasalalay rito ang iyong love life.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ikaw ay magiging busy pa rin, masusumpungan ang sariling tambak ang haharaping trabaho.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Matagal ka ring nagsumikap sa iyong trabaho. Kailangan mo naman ngayon ng sapat na pahinga.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang araw ngayon ang maaaring maging turning point mo. Posibleng makakaya mo nang tumanggi sa sino man.

Pisces (March 11-April 18) Hinihikayat ka ng posisyon ng mga planeta ngayon sa pagsusuri ng iyong sarili. Karapat-dapat ba ang iyong mga ginawa?

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Subukang maging low key ngayon kaysa maging depensibo.

Lady Dee