Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuhol at uod sa panaginip

00 Panaginip

Gud am po,

Ask ko lng po sna ang interpretation/ meaning ng drim ko…nsa isang bhay dw po ako at ksma s pnginip ko ang mama at papa ng kaibigan ko…kumkain dw po kmi…tpos po bgla po ako nkramdam ng may gumglaw s la2munan ko…nung iniluwa ko po suso/snail po pla sya at buhay p ito…suka po ako ng suka..den after po nun may nkita akong giant worm n nsa pligid ko po…den bgla po ako ngcng…kinuwento ko po s papa ng frend ko…sbi po nya itaya ko dw s lotto…den bgla po akong ngcng n tlga…ano po kya mining ng pngnip ko at bkt po ngcng nko pro d prn pla tlga gcng?slmat po…more power (09234704330)

To 09234704330,

Ang nakitang bahay sa iyong bungang-tulog ay nagre-represent ng iyong sarili at pati na ng iyong kaluluwa. Depende sa partikular na nakitang bahay at sa bahagi nito at ng iyong psyche. Sa pangkalahatan, ang attic ay nagre-represent ng iyong intellect at ang basement naman ay nagre-represent ng iyong unconscious state of mind.

Kapag sa panaginip ay kumakain ka na may kasama, may kaugnayan ito sa harmony, intimacy, merriness, prosperous undertakings, personal gain, and/or joyous spirits.

Ang panaginip na suka ka ng suka ay nagsasabi na kailangang mong i-reject o i-discard ang ilang aspeto ng iyong buhay na nakakainis o hindi maganda. Mayroong ilang emotions o concepts na dapat mong harapin at pakawalan para mag-move-on ka na. Kapag nakakita naman ng ibang tao na sumusuka, nagsasaad ito ng false pretenses ng ibang tao na gusto ka lang pagsamantalahan o gulangan.

Kapag nakakita ng suso o snail sa panaginip, ito ay nagsa-suggest na ikaw ay masyadong nagiging sensitive. Ikaw ay nakadarama ng may pumipigil sa mga gustong gawin, subalit nagnanais na mas maging outgoing at energetic. Alternatively, ang snail ay nagsasabi rin na ikaw ay may nagagawang steady progress sa iyong mithiin sa buhay. Kailangang gawin mo ito sa sariling pace o gustong bilis.

Ang ukol naman sa uod, may kaugnayan ito sa weakness at general negativity. Ikaw ay may mababang pananaw sa iyong sarili o ng sinumang may kaugnayan sa iyong buhay.

Kapag sa panaginip ay nananaginip ka pa rin, tulad ng sitwasyon mo na akala mo ay gising ka na subalit nanananip ka pa rin pala o nagde-daydreaming ka, ito ay nagsasaad ng iyong emotional state. Ikaw ay sobrang nag-aalala at nababahala ukol sa sitwasyon o pangyayari na iyong pinagdaraanan sa kasalukuyan. Kapag nanaginip na nananaginip ka, ito’y nagsisilbing patong o layer ng proteksiyon para sa iyo hinggil sa nararamdaman mo. Ang dream within a dream ay pinapayagan kang maranasan ang ilang mahirap na damdamin na otherwise ay masyadong masakit upang harapin mo, kung direkta mong mapapanaginipan ang isang sitwasyon o scenario.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …