NILALAPATAN ng lunas sa Mother and Child Hospital ang isang 22-anyos guest relation officer (GRO) makaraan barilin ng hindi nakilalang pulis sa loob ng videoke bar sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktimang si Pearlie Custodio, 48, C. San Jose Street, corner Herbosa Street, Tondo.
Ayon kay Chief Inspector Ariel C. Caramoan, hepe ng Manila Police District Don Bosco PCP-PS1, dakong 5:40 a.m. nang barilin ng suspek ang biktima sa loob ng Ding’s Videoke Bar sa R-10, Chesa Street, Tondo.
Napag-alaman, habang ka-table ng biktima ang suspek ay pinangakuan ng GRO ang pulis na sa kanya sasama sa closing time.
Ngunit nang bumalik ang suspek sa videoke bar at naghintay sa labas, nakita niyang sa ibang kustomer sumama ang biktima.
Bunsod nang matinding selos, pinaputukan ng pulis ang biktima at pagkaraan ay mabilis na tumakas.
(LEONARD BASILIO)