Friday , May 17 2024

San Beda vs. Letran

IPAGHIHIGANTI ng defending champion San Beda Red Lions ang pagkatalong sinapit nila sa Letran Knights sa first round sa kanilang rebanse sa 90th NCAA men’s basketball tournament mamayang 2 pm sa The Arena sa San Juan .

Magugunitang dinaig ng Knights ang Red Lions, 64-53 nang una silang magkita noong Agosto 13.

Sa larong iyon ay hindi ginamit ni coach Teodorico Fernandez III ang 6-8 Nigerian center na si Olaide Adeogun dahil sa pagliban nito sa ensayo.

Humingi na ng paumanhin si Adeogun at hindi na lumiban pa mula noon. Kaya naman nagwagi ang Red Lions ng apat na sunod na laro upang mapanatili ang unang puwesto sa record na 11-2.

Ang Knights ay nangungunyapit sa ikaanim na puwesto sa kartang 6-7 at may manipis na tsansang umabot sa Final Four. Ito ay kung mapapanalunan nila ang natitira nilang laro.

Bukod kay Adeogun, si Fernandez ay umaasa kina Baser Amer, Art dela Cruz, at pro-bound cagers Kyle Pascual, Anthony at David Semerad.

Ang Letran Knights ni coach Caloy Garcia ay pinamumunuan nina Kevin Racal, Mark Cruz, Rey Nambatac at Ford Ruaya.

Ni SABRINA PASCUA

About hataw tabloid

Check Also

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

IPAPAMALAS ang husay ng kabayong si Louiseville sa kanyang pagtakbo sa 2024 Philracom “Hopeful Stakes …

Jungkook

Kinuha ni Jungkook ang Classic Cup

SA KABILA ng matinding init, nagwagi ang Jungkook ni Tisha Sevilla (Low Profile out of …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Vietnamese GM Tran Tuan Minh nasorpresa sa Chebanenko Slav
ARCA NAHABLOT SOLONG LIDERATOSA VIETNAM CHESS
Tsansa para sa 2nd IM norm napalakas

MANILA – Ginulat ni Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca si top seed …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Arca nakatutok sa 2nd IM norm  sa Vietnam chess meet

MANILA – Nakatutok si Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca sa kanyang second …

Chito Rivera Eric Buhain COPA PAI

COPA “All For One” swim fest sa RSMC

MAHIGIT 500 manlalangoy ang inaasahang lalahok sa Congress of the Philippine Aquatics (COPA) National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *