Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hashtag kagandahan sa GRR TNT

080914 GRR

MAKIKIUSO si Mader Ricky Reyes ngayong Sabado sa mga netizen at ang episode ng Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ay pinamagatang Hashtag Kagandahan.

Unang itatampok ay ang paalaala ni Mader na ‘di lang dapat na ang panlabas na byuti ang alagaan. Dapat ay okey ding panatilihin ang katawan na malusog sa pamamagitan ng mga kinakaing organic at pag-inom ng mga herbal na suplimento.

Dating magsasaka na naging marino ang ngayo’y milyonaryo at pilantropong si Kapitan Gaudencio Morales. Kapuri-puri ang pagkakaroon niya ng maganda at ginintuang puso sa pagtulong niya sa mga mahihirap at nangangailangan ng tulong. “Pinatunayan niya na ang paraan ng pagbabalik ng ibinigay sa kanyang biyaya ni Lord ay pagtulong sa mga nagdarahop sa buhay,” sabi ni Mader matapos ang one on one interbyu niya sa ginoo.

Alam n’yo bang ‘di biro ang gastos ng mga taong mahilig mag-alaga ng aso? Makikita sa programa kung paano gastahan ng mga amo  ang itinuturing na man’s bestfriend sa dog food, check up sa beterinaryo, immunization, bitamina, at grooming.

Halos maiyak naman ang isang tindera sa palengke matapos siyang gawan ni Mader ng isang make over magic. Pagtingin niya sa salami’y nagulat siya sa naging transpormasyon … “from ugly duckling into a swan.” Ngayo’y maaari na siyang tawaging Tindera Cinderella.

Ang GRR TNT ay napapanood tuwing Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GMA News TV. Prodyus ito ng ScriptoVision. Tutok lang dahil sinisikap ni Mader na ang lingguhang pagtatanghal ay maging makabuluhan at kapupulutan ng napapanahong isyu tungkol sa kagandahan, kabuhayan, kalusugan, at karunungan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …