Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, Matteo at Sam dateless sa Star Magic Ball

090814 Coco Matteo sam

00 fact sheet reggeeDATELESS si Matteo Guidicelli sa nakaraang Star Magic Ball na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel na inaasahan pa naman ng lahat ay kasama ng binatang aktor ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo.

Si Sam Milby ay mag-isa ring naglakad sa red carpet at walang Shaina Magdayao na kasama na ayon sa aktor ay hindi naman daw siya nagsabi sa dalaga na sila ang magka-date sa Star Magic Ball.

Kaya ang ending, mag-isa ring dumating si Shaina sa nasabing event with her black fitted gown na off-shoulder at nakalugay lang ang buhok.

Bagamat dala-dalawa ang leading lady ni Coco Martin sa Ikaw Lamang serye ay mag-isa rin siyang dumating sa Star Magic ball dahil si Kim Chiu ay si Xian Lim ang date at ang nakakataka ay mag-isa ring dumating si Paulo Avelino sa event minus KC Concepcion.

Bagamat si Bea Alonzo ang partner ni Paulo sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay hindi naman puwedeng sila ang magka-date dahil ang boyfriend nitong si Zanjoe Marudo ang kasama ng aktres.

Maging si Richard Gomez ay hindi kasama ang misis niyang si Congresswoman Lucy Torres-Gomez dahil may ibang lakad daw.

Maging si Jessy Mendiola ay mag-isa ring dumating, hindi ba siya niyaya ng ex-boyfriend niyang siJM de Guzman?

Isa sa gustong-gusto ng photographers noong gabi ay ang magka-loveteam na Enrique Gil at Liza Soberano na bagay na bagay daw kaya hindi na raw kataka-taka kung isang araw ay mabalitaang nagkakamabutihan ang dalawa.  Hmm, hindi kaya promo ito ng Forevermore?

Ilan lang ang mga nabanggit ang nabalitaan naming dumating sa nakaraang Star Magic event.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …