Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Kathryn, tinanggap ang ice bucket challenge

082714 kathniel ice bucket
ni Roldan Castro

GINAWA na nina Daniel  Padilla at Kathryn Bernardo ang ice bucket challenge na sina Zanjoe Marudo, Bea Alonzo, Ben Chan ang binigyan ng nominasyon ni DJ. Ang hosts naman ng Talentadong Pinoy na sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla ang hinamon ni Kathryn.

Tinanggap nila ang challenge at ginawa sa TV5 station sa Novaliches. Ang hinamon nila ay sina Rommel Padilla, BB Gandanghari, Kylie Padilla, Bela Padilla, RJ Padilla.

Ginawa rin ni Anne Curtis ang ALS ice bucket stunt na tinanggap niya ang challenge nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Kahit ang mga showbiz reporter ay nakiuso na rin sa ice bucket challenge.

Rito sa Bangkok, Thailand ay ginawa ni Joe Barrameda (ng Abante) ang ice bucket challenge na hinamon niya ang mga kapwa reporter na  sina Dondon Sermino, Ian Farinas, at ang President eng Enpress na si Jun Nardo. Tanggapin kaya nila ang challenge?

Sumunod din si Mario Dumaual ng ABS-CBN2 sa ice bucket challenge after na gawin nina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang mall show. Hinamon ni James si Mario na gawin sa stage ang challenge habang kinu-cover ang event. Sina Gretchen Fullido at Senator Grace Poe ang hinamon naman ni Mario. Binigyan din ng nominasyon ng JaDine sina Anne Curtis, Cristine Reyes, at Sam Milby.

Maging ang Entertainment Editor ng isang tabloid na si Dindo Balares ay join din sa Ice Bucket Challenge. Sina Ogie Diaz, Isah Red, at alkalde ng Iriga ang binigyan niya ng nominasyon.

Ang ALS ice bucket challenge ay kampanya para kumalap ng pondo at awareness ng tao sa amyotrophic lateral sclerosis (ALS). Binigyan sila ng 24 hours sa challenge or else inaasahan silang mag-donate sa ALS Association sa United States, o anumang foundation na gumagawa ng research para sa nasabing disease.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …