Saturday , May 18 2024

Abogado todas, 2 sugatan sa ambush

HINDI na umabot nang buhay ang 66-anyos abogado at sugatan ang dalawa sa walo niyang kasama makaraan pagbabarilin ng apat na mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo kahapon sa Taytay, Rizal.

Sa ulat na nakarating kay Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang napatay na si

Atty. Rodolfo Felicio, ng #17 Phase-3, Cogeo Village, Antipolo City, habang sugatan ang dalawa niyang kasama na sina Rolando Andaya, 38, at Antonio Arcilla, 54, kapwa residente ng Sitio Lupang Arenda, Brgy. San Lorenzo, Taytay.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo makaraan matiyak na patay na ang biktima.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 1:30 p.m. katatapos lamang kumain ng grupo kaya’t namahinga muna ang biktima sa kubo sa lupang kanilang binabakuran sa Lupang Arenda.

Ngunit biglang may dumating na dalawang motorsiklo at pinagbabaril ng mga suspek ang mga biktima na ikinamatay ng abogado.

Hinala ng  pulisya, ang pagbabakod ng mga biktima sa may kalahating ektaryang  lupa sa lugar ang ugat ng krimen. (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *