Abogado todas, 2 sugatan sa ambush

HINDI na umabot nang buhay ang 66-anyos abogado at sugatan ang dalawa sa walo niyang kasama makaraan pagbabarilin ng apat na mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo kahapon sa Taytay, Rizal.

Sa ulat na nakarating kay Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang napatay na si

Atty. Rodolfo Felicio, ng #17 Phase-3, Cogeo Village, Antipolo City, habang sugatan ang dalawa niyang kasama na sina Rolando Andaya, 38, at Antonio Arcilla, 54, kapwa residente ng Sitio Lupang Arenda, Brgy. San Lorenzo, Taytay.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo makaraan matiyak na patay na ang biktima.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 1:30 p.m. katatapos lamang kumain ng grupo kayaโ€™t namahinga muna ang biktima sa kubo sa lupang kanilang binabakuran sa Lupang Arenda.

Ngunit biglang may dumating na dalawang motorsiklo at pinagbabaril ng mga suspek ang mga biktima na ikinamatay ng abogado.

Hinala ngย  pulisya, ang pagbabakod ng mga biktima sa may kalahating ektaryangย  lupa sa lugar ang ugat ng krimen. (ED MORENO)