Saturday , November 23 2024

Ex-AFP chief bagong Usec ng Palasyo

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Emmanuel Bautista bilang Undersecretary sa Office of the President.

Magsisilbi si Bautista bilang executive director ng  security, justice, and peace and order cluster ng gabinete na direktang nasa ilalim ng pangangasiwa ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr.

Ayon sa Executive Order No. 43, series of 2011, “the security cluster shall ensure the preservation of national sovereignty and the rule of law, and focus on the protection and promotion of human rights, and the pursuit of a just, comprehensive, and lasting peace.”

Naniniwala ang Pangulo na siya ay may kapasidad na magbigay ng mahalagang ambag sa pamamagitan ng kanyang kaalaman hinggil sa security situation batay sa kanyang karanasan bilang chief of staff ng Armed Forces at Commanding General ng Philippine Army, at bilang principal author ng Internal Security Plan Bayanihan, ang counter insurgency plan na may layuning wakasan ang mahigit apat dekadang armadong pakikibaka ng kilusang komunista sa bansa.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *