Saturday , February 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carnap king, dyowa, 4 pa tiklo sa QCPD

NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang tinaguriang ‘carnap king,’ lider ng Mac Lester Reyes carnap group na kumikilos sa Metro Manila at karatig lalawigan, sa tatlong araw na operasyon sa Malabon City, Caloocan City, Quezon City at lalawigan ng Quezon.

Bukod sa pagkaaresto kay Mac Lester Reyes, 37, ng Unit 2B, #121 Kabigting corner Mauban St., Brgy. 127, Caloocan City, nadakip din ang live-in partner niyang si Richell Sibug, 30; at mga tauhan na sina Armando Dela Cruz, 26, auto techinician; Alvin Ganac, 19, helper; Pablito Gumasing, 34; at Macario San Diego, 23, technician.

Ayon kay Chief  Supt. Richard A. Albano, QCPD District Director, nitong Agosto 13, dakong 9 p.m., nakatanggap ng impormasyon ang QCPD Anti-Carnapping na dakong 11 p.m. ay tutungo sa RD Surplus sa Cardiz St., Banaue, Quezon sina Dela Cruz at Ganac lulan ng isang gray Toyota Prado (XRP 290) na isang carnap vehicle.

Sinundan ng mga awtoridad ang sasakyan ng mga suspek na pumasok sa isang compound sa No. 9 Bustamante St., Tenejeros, Malabon City. Nang makapasok ng compound ay mabilis na inaresto ng mga awtoridad sina Dela Cruz at Ganac. Nakompiska ng mga awtoridad mula sa dalawa ang Toyota Prado.

Ikinanta ng dalawa ang kanilang lider na si Reyes at itinuro ang pinagtataguan sa #121 Kabigting St., Brgy. 127, Caloocan City, dito nadakip ang gang leader at ang kanyang live-in partner na si Sibug.

Nitong Agosto 14, dakong 2 a.m. narekober ng mga awtoridad ang Toyota Land Cruiser at isa pang Toyota Prado sa hideout ni Reyes sa Brgy. Tuhian, Catanauan, Quezon Province.

Pagkaraan ay nadakip din sina Gumasing at San Diego sa No. 9 Bustamante St.,Tenejeros, Malabon City nang mamataan habang naghahatid ng kinarnap na mga motorsiklo.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng …

Arrest Caloocan

Most wanted na magnanakaw sa Bulacan naaresto sa Caloocan

MATAGUMPAY na naaresto ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police, katuwang ang Bulacan 1st Provincial …

San Jose del Monte CSJDM Police

2 rapist sa CSJDM timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), …

Dead Rape

Siklista natagpuang patay sa Cavite memorial park

NATAGPUANG patay ang isang cyclist sa parking area ng Divine Mercy Memorial Park sa Brgy. …

Gun Fire

Mayor ng Surigao del Sur, aide sugatan sa ambush

SUGATAN ang alkalde ng Barobo, Surigao del Sur at kanyang close-in security detail nang paulanan …