Thursday , June 4 2026

Nurse tepok sa ex-BF na nagbaril din

PATAY ang isang nurse nang barilin ng dating nobyong pulis na nagpakamatay rin sa Brgy. Taslan, Tapaz, Capiz kamakalawa.

Sa imbestigasyon, tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Jovelyn Pio, 26, nurse na kauuwi lamang sa bansa noong Agosto 15.

Namatay rin ang suspek na si PO1 Jesus Farillon, 26, pulis, makaraan magbaril sa ulo gamit ang kanyang .9mm pistol service firearm.

Ayon kay Insp. Leomendo Tayupon, hepe ng Tapaz police station, sinadyang puntahan ng pulis ang bahay ng dating kasintahan upang makipag-usap sa nobyang nakarelasyon nang halos walong taon.

Ngunit nagulat na lamang ang pamilya Pio nang makarinig ng apat na putok ng baril at natagpuan ang duguang bangkay ng dalawa.

Ayon kay Tayupon, maaaring hindi pa tapos ang problema ng dalawa makaraan mag-asawa ang pulis at nagtrabaho sa ibang bansa ang nurse.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …