UTAS ang isang ginang makaraan ratratin ng riding-in-tandem kahapon sa Quezon City.
Kinilala ang biktimang si Marilou Otayde, 43, may-asawa, ng Senatorial St., Brgy. Batasan Hills sa lungsod.
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong 10:15 a.m. sa harap ng tirahan ng biktima na mayroong sari-sari store.
Nasa loob ng kanyang tindahan ang biktima nang sumulpot ang mga suspek sakay ng isang itim na motorsiklo at agad pinagbabaril ang ginang.
Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek na ngayon ay tinutugis na ng mga awtoridad.
(JETHRO SINOCRUZ)