Thursday , June 4 2026

Mag-utol bugbog-sarado sa 3 katagay

KAPWA sugatan ang mag-utol makaraan saksakin at hatawin ng bote ng beer ng tatlong kainoman nang magkapikonan kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Nilalapatan ng lunas sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Jonathan Flores, 28, tinamaan ng saksak sa dibdib, habang sugatan ang ulo ng kapatid niyang si Joseph, 29, merchandizer, kapwa residente ng #73 Celia St., Brgy. Tinajeros ng nasabing lungsod.

Tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Andy Manahan, Bert de Leon at Richard Sablan, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni SPO1 Jerry  Dela Torre, naganap ang insidente dakong 3:30 a.m. sa M.H. Del Pilar St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod.

Habang nag-iinoman ay nagkapikonan sila na nagresulta upang pagtulungang bugbugin ng mga suspek ang magkapatid. (R. SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …