LARGADO na ang pa-Jueteng ni TONY “BOLOK” SANTOS at KENNETH sa mga siyudad nina Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque, Mayor Junjun Binay ng Makati, Mayor Lani Cayetano ng Taguig, Mayor Nene Aguilar ng Las Piñas City at Mayor Jimmy Fresnedi ng Muntinlupa.
Sa lawak ng balwarte nina KENNETH at BOLOK, tiyak matindi ang pinakawalan na goodwill at intelihensiya hindi lamang para sa pulisya (lokal at nasyonal) kundi sa mga politikong binanggit natin.
Parang lumusot sa butas ng karayom ang pa-jueteng na nilakad ni KENET KU-PAL na may ilang buwan din pinalantsa bago tuluyang nabigyan ng GO SIGNAL.
Totoo kayang isa si DILG Secretary MAR ROXAS sa mga PANGINOONG nagbigay ng basbas sa pa-jueteng na ito?
Bukod kay DILG Sec. MAR ROXAS, kasamang ipinagyayabang ni BOLOK si PNP Chief Alan Purisima kung kaya’t kahit medyo ayaw ng mga station commanders ng bawat siyudad sa Southern Metro ay wala silang nagawa.
Pati si NCRPO Director Carmelo Valmoria at SPD chief, Gen. Jet Villacorte ay walang nagawa sa weteng sa South Metro Manila.
Umpisa pa lamang daw ito dahil mas palalawakin pa ang ilegal na pasugal ng network ni KENET KU-PAL na kasosyo umano ang bantog na si TONY ‘BOLOK’ SANTOS ng Marikina.
Ipinagyayabang umano ng tropa ni Kenet at Bolok na sila ay nakatoka sa malawakang fund raising project ni Sec. Roxas at ng Liberal Party (LP) para sa nalalapit na 2016 elections.
Hindi lamang umano sa Southern Metro largado ang 1602 o illegal gambling kundi sa buong kapuluan na.
Desperado umano ang LP na makalikom ng pondo para sa gagamiting campaign funds sa eleksyon.
Kaya garapalan na raw ang diskarte sa illegal gambling kahit pa nga tutol ang ilan sa mga advisers ni Pangulong Benigno Aquino III.
Isa sa mga lantarang sumasalungat sa diskarteng ito ay si Executive Secretary Paquito Ochoa. Pero tila napakahina na ng boses ni Ochoa para marinig niPangulong Aquino!
Mas astig daw ngayon diyan sa Malacañang ang LP Boys na kayang-kayang paikutin si Presidente.
Going back sa bagong jueteng empire ni TONY BOLOK SANTOS, sinasabing namudmod sila ng sandamakmak na kuwarta sa National Bureau of Investigation (NBI) ni Director Virgilio Mendez, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ni Gen. Benjie Magalong at iba pang police units sa loob ng Kampo Crame.
May ‘parating’ din para sa tanggapan ni Games And Amusement Board (GAB) Chairman Juan Ramon Guanzon at Atty. Ermar Benitez ng GAB-Anti Illegal Gambling Unit.
Pati raw ang tanggapan ni Senador Sonny Angara, na chairman naman ng Senate Committee On Games And Amusement ay may ‘parating’ din daw mula kay BOLOK.
Pinatay ng pa-jueteng ni BOLOK ang ibang small time gambling operators sa nasabing mga lugar.
Si B.ATMAN at R.OBIN naman umano ang nangangasiwa ng ‘payola 7, 14, 21, 30’ para sa national at local media, publishers, editors at kolumnista. Katakot-takot na bukol na naman ang aabutin ng marami sa ating mga kabaro sa hanapbuhay.
Kasama umano ang dalawang scalawags sa media sa planning na ginawa para sa pa-jueteng nitong si TONY SANTOS BOLOK .
Naunsiyami ang dry run ng grupo noong isang buwan ngunit makaraang magdagdag ng budget para sa PAYOLA ay nabigyan na nga ng ‘green light’ umano nina Sec. Roxas at PNP chief Purisima.
Pakapalan na lang talaga ng mukha ang laban. Dati kasi, patago pa ang operasyon ng jueteng at doon pa sa malalayong probinsiya, pero ngayon, mismong sa Metro Manila na, sa mismong the seat of power ng administrasyong PNoy!
‘Yan ba ang ipinagmamalaking daang matuwid ng Aquino administration?
Oo nga pala, mga katoto baka isa na kayo sa matagal nang binubukulan nina B.ATMAN & R.OBIN TANDEM NATIONAL MEDIA PAYOLA!
Makinig sa DWAD 1098 khz am band” TARGET ON AIR “ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]
Rex Cayanong