Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolina, Bea at Kyla gusto na rin layasan ang GMA network (Maxene Magalona inunahan na si Aljur Abrenica!)

080114 kyla jolina bea maxene aljur

ni Peter Ledesma

OH! Hayan magsitigil kayong mga linta at sipsip sa GMA 7 dahil bukod kay Aljur Abrenica, kamakailan lang ay isa na namang Kapuso actress ang nagpa-release ng kanyang kontrata sa nasabing TV station.

Ang actress na ating tintutukoy ay walang iba kundi si Maxene Magalona na kahit may natitira pang contract ay pinakalawan na agad ng GMA Artists Center.

E, bakit si Aljur Abrenica, pinahihirapan ng kanyang mother network bakit kasi hindi nila pagbigyan ang actor sa kahilingan niyang palayain na siya.

Oo nandoon na tayo, sa sinasabi nilang malaki na ang naging investment nila kay Aljur. Pero sa tinagal-tagal na panahon na naging artista nila ang gwapong aktor, ay hindi ba sila kumita o nakabawi sa kanilang puhunan? Parang imposible naman ‘yun lalo pa’t marami naman ginawang show sa kanila at nakagawa rin ng mga product endorsement. Kasi naman pagdating sa pagbi-build up, aminin na kasi ng network na ito, na hindi talaga sila kagalingan kaya naman ang mga talent nila bukod sa hindi kilala ‘yung iba ay wala talagang gaanong progress sa career nila.

Tingnan n’yo na lang ‘yung mga bagong artista sa ABS-CBN wala pang one year na nagtrabaho sa estasyon pero may sarili ng mga bahay at sasakyan. E, sa kanila look n’yo si Ryzza Cenon hanggang ngayon wala pa rin house.

Uy ito pa ang bagong putok na issue ngayon sa social media, gusto na raw ni Jolina Magdangal na magbalik-Kapamilya at kausap na raw ng Daddy Jun ni Jolens si Mr. Johnny Manahan sa napipintong comeback sa network na nagpasikat nang husto sa kanya noon.

Sina Bea Binene at singer Mom na si Kyla ay may plano rin daw na mag-ober da bakod sa TV station ni Sir Gabby Lopez.

Anyareee gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …