ni Vir Gonzales
NAKIKIRAMAY kami sa pamilya ni Aida Fandalian, ang girl Friday ni Gov. Vilma Santos sa pagyao nito kamakailan. Hindi man sabihin, alam naming malaking kawalan ito sa butihing gobernadora.
Karamay niya si Aida sa lahat ng mga lakad. Siya rin ang kontak namin tuwing may bilin si Gov Vi at laging nagpapasalamat sa mga writer about Gov. Vi.
Nakalulungkot isipin, nawalan na kami ng tulay para makarating sa kinaroroonan ng butihing gobernadora ng Batangas. Nakikiramay po kami.
Bubble Gang, kung sino-sino na lang ang guest
BAKIT naman tila yata nagkakaubusan na ng guest stars para sa Bubble Gang?
Kung noong araw ay kagulat-gulat sa laki ng mga bisitang artista si Michael V. ngayon ay parang waley na? Anyare?