BINABAKURAN ba ng misis niya na si Priscilla Meirelles ang mister na kung ilarawan eh “malandi” kaya lagi na itong nakabuntot sa aktor?
Hindi naman daw say ni John Estrada. Si misis na raw kasi ang kanyang manager.
At say nga ni John, malaki raw ang difference ng malandi sa friendly at pagdating sa bagay na ‘yan-nag-mature na siya. In short, nag-graduate niya.
Aba, bakit ka naman ‘di sasaludo sa former Miss Earth—super hands on ito sa pagiging misis John Estrada niya at ina ng anak nila. No maids at all!
Kaya imposible ‘yang tsikang nagkakagulo sila. Kilala namin ang couple!