MULING humirit sa Supreme Court si Atty. Gigi Reyes upang hilingin na ibasura ang arrest warrant laban sa kanya sa kasong plunder dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam.
Sa 18-pahinang supplemental petition na inihain ng abogado niya na si Atty. Anacleto Diaz, hiniling din ni Reyes na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order sa pagdinig ng Sandiganbayan third division sa kanyang kaso.
Si Reyes na ipinakulong sa Camp Bagong Diwa ay isinugod sa ospital dahil sa anxiety attack.
Ngunit ngayon ay nasa ICU siya ng Philippine Heart Center.