Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 kotong traffic enforcer, tiklo

NAHULI ang dalawang traffic enforcer matapos huthutan ang isang motorista sa Maynila kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Danilo Abundo, 51, nakatira sa 1065 Tayabas St., Tondo at Yves Laurence, 26, na nakatira sa Pilar St., pawang miyembro ng MTPB.

Ayon kay SPO2 Jessie Manalang, isang hindi nagpakilalang biktima ang nagsumbong laban sa 2 suspek nang kotongan siya ng P200 sa kahabaan ng Ayala Boulevard sa Ermita.

Agad nagresponde sina Manalang kaya natiklo ang mga suspek.

Kinasuhan ang dalawa ng illegal exactions and transactions ngunit agad rin nakalabas kahapon. (JOHN BRYAN ULANDAY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …