ISA lang si Robin Padilla sa maraming nadesmaya sa hindi pagkapili ni P-Noy kay Nora Aunor bilang National Artist para sa taong ito.
Ayon nga sa post ni Robin sa kanyang Instagram, hindi raw siya makapaniwala sa nabalitaan niya na hindi napili si Ate Guy bilang national artist. Isang napakalaking kalungkutan nga raw ito para sa ating mga Filipino sapagkat ang kuko raw ng politika ay gumagapang at bumabaon hanggang sa mga taong dapat daw ay kilalanin at hindi nadadamay sa pag-uusig.
Sinabi pa ni Binoe patungkol kay P-Noy na siguro raw ay may pagkukulang ang mga nakatagalang hanay ng mga hurado at komisyon sa pagbibigay sa kanya ng impormasyon kung sino at ano si Nora Aunor sa ating sining, kultura, at tradisyon bilang mga Filipino.