Wednesday , April 24 2024

Rodjun, umaarangkada ang career; Rayver, nakatiwangwang

060414 Rodjun Cruz

ni Rommel Placente

NOONG pareho pa silang nasa pangangalaga ng ABS-CBN 2 ay mas busy at maraming project si Rayver Cruz kaysa kanyang kuya Rodjun. Pero noong mag-decide ang huli na lumipat sa GMA 7, mas naging busy siya kay Rayver.

Sunod-sunod ang mga proyekto niya sa GMA. Pagkatapos nga siyang mapanood sa My Husband’s Lover ay binigyan siya agad ng bagong serye. Bukod pa rito ay kasama rin si Rodjun sa isang Sunday noontime show.

Bale dalawa ang show niya ngayon sa Kapuso Network unlike Rayver na isa lang, ang ASAP 19.

Pagkatapos siyang mapanood sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin na pinagbidahan nina Cristine Reyes at Gerald Anderson ay hindi pa ulit siya binibigyan ng serye ng Kapamilya Network. Unlike Rodjun na may follow-up serye agad.

Paano naman kasi, sa totoo lang, mas mahusay umarteng ‘di hamak si Rodjun kaysa nakababatang kapatid niya. Wala naman kaming against kay Rayver, kaya lang ‘yun naman talaga ang totoo. ‘Di ba Leo Dominguez?

About hataw tabloid

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *