Monday , August 8 2022

Anak nina Harlene at Romnick, sumabak na rin sa pag-arte

062614 zeke sarmienta

ni   Pilar mateo

IT isn’t everyday that you get to talk to a thirteen-year old na ang point of tsikahan has something to do with the issues na in some ways naka-apekto rin sa kanilang pamilya.

Hindi man kasi sila madalas magkita at magkasama, very close naman sa mga puso nila ang magpinsanng Athena Bautista at Zeke Sarmenta.

Si Athena ang panganay nina Quezon Ciry Mayor Herbert Bautista at Tates Gana at si Zeke naman ang ikalawang supling nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta. At ang dalawa eh, matutunghayan sa pagganap nila sa isang napaka-makabuluhang pelikula ni direk Joel Lamangansa Kamkam (Greed) bilang mga anak nina Allen Dizon at Jean Garcia.

Itinanong ng mga kaharap na press ni Zeke sa kanilang presscon kung paano niyang sinuportahan ang pinsan sa pinagdaanan nitong problema recently at kung paano naman niya itong nalaman.

“Ninang, ako po ang nakabasa sa papers. Tapos, sinabi ko at itinanong kina Mama at Papa ang tungkol doon. Alam na rin naman pala nina Athena. So, ako, sinuportahan ko lang siya by making us do things na sasaya siya. ‘Yung mawawala ang isip niya roon. Hindi namin siya pinag-usapan nang pinag-usapan. We spent some time kasi, they decided to have a vacation muna in the US. So, ganoon lang. Ako, hindi naman affected na affected. Basta I let her cool off lang. Lagi ko lang sinasabi sa kanya, I am always here for her. Kahit ano ang mangyari we’re a family. Basta tama lang.”

At bakit naman nila naisip ni Athena na sumabak na sa pag-arte at this point?

“Ako po, maliit pa lang, hilig ko na talaga ang umarte. Sa theater. Nakikita ko kasi ‘yun kina Mama at Papa. So, noong may audition pala for the roles, sinabi sa akin ni Mama. Sabi ko, I want to try. And I was allowed kasi dapat ko sundin ang sabi ni Papa, na I can try naman these things basta lang ang magiging priority ko pa rin eh, ang studies ko..

“I had a good time. Kami ni Athena. Kasi, masayang direktor si direk Joel. He teaches us what we need to do sa scene. Kaya takot din naman kami na magkamali. And marami rin kami natututunan sa mga kasama namin sa scenes.”

Zeke is a Hebrew name na ang ibig sabihin ay “strength of God”, ayon sa butihing ina ni Zeke na siya ring producer ng pelikula sa ilalim ng kanilang Heaven’s Best Entertainment.

At kung si Harlene naman ang tatanungin, masasabi ba niyang affected din ang family niya sa kinasangkutan ng ikot ng puso ng Kuya niya?

“May effect naman, oo. No, never ko namang nakilala si Kris (Aquino). Pero sa akin. Bilang kapatid ni Kuya, kung anuman ang desisyonniya, basta ang importante sa akin eh, masaya siya. ‘Yung makamit niya ang total joy and happiness. Kasi, nasa edad na naman siya para hanapin ‘yun. Basta sa amin, lalo na sa akin, ‘yung magiging masaya na siya.”

According to Harlene, nasa Israel si Bistek noong araw na ‘yon on an official visit. At hindi rin naman daw sila ganoong kadalas magkita.

Bukod sa pagiging abala niya sa kanyang papel bilang isang producer sa Heaven’s Best, hindi kinakaligtaan ni Harlene atng kanyang better-half na si Romnick ang duties and obligations nila bilang mga alad ng Elim Ministries ni Pastor Nakar.

Concentrated si Harlene sa pag-alagwa ng kanilang production outfit at sa darating na Metro Manila Film Festival, pasok ang kanilang romantic-comedy na English Only Please sa walong pasok na kalahok!

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez Juliana

Juliana inihahanda na ni Richard sa politika?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SHE’s a leader, she’s an achiever.” Ito ang buong pagmamalaki ni Cong. …

Kris Aquino Cristy Fermin Romel Chika Morly Alinio

Kris balik-Singapore sa pagpapagamot

MA at PAni Rommel Placente MULA sa Houston, Texas USA, ay lilipad papuntang Singapore si Kris …

Pokwang K Brosas car accident

K Brosas at Pokwang naaksidente

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAAKSIDENTE noong Martes sina K Brosas at Pokwang kasama ang kanilang handler na si Daryl Zamorahabang …

Kitkat baby husband

Kitkat isinilang na si Baby Girl Uno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAILUWAL na ng komedyanang si Kitkat Favia via caesarianang unang anak nila …

Vince Maristela

Vince Maristela bagong aabangan sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vince Maristela ang itinuro ng kapwa niya Sparkle artist na si Raheel Bhyria na mas hunk …

Leave a Reply