Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Laro ng PBA araw-araw na

SIMULA sa susunod na linggo ay gagawing araw-araw na ang mga laro ng PBA Governors’ Cup quarterfinals at semifinals.

Ayon sa iskedyul na inilabas ng PBA, magsisimula ang quarterfinals sa Hunyo 17, Martes, kung saan tig-dalawang laro ang gagawin hanggang sa matapos ang quarters.

Kung mananalo ang apat na koponang hawak ang twice-to-beat na bentahe sa quarters ay magsisimula ang semis sa Hunyo 19 at gagawing tig-isang laro ang semis araw-araw.

Pati sa Huwebes ay magkakaroon ng laro ang PBA quarters at semis para matapos ang Governors Cup sa Hulyo 9 at bigyan ng pagkakataon ang Gilas Pilipinas na makapag-ensayo nang matagal para sa FIBA World Cup sa Espanya sa Setyembre at Asian Games sa Incheon, Korea.

Sa ngayon ay tanging sa Huwebes ay walang laro ang PBA para maipalabas ng TV5 ang programang Kuwentong Gilas at Kuwentong PBA na mga dokyumentaryong produced ng Sports5 tungkol sa liga.

Napapanood ang nasabing programa tuwing Huwebes, 9:30 ng gabi pagkatapos ng mga pelikula ng TV5 na isinalin sa Tagalog.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …