HINDI naging ‘close’ sina Pangulong Benigno Aquino III at pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles at walang mapapala sa kanya ang ginang dahil wala siyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong siya’y senador pa lamang.
”Syempre ang interes n’ya, allegedly, ‘yung pagse-secure ng PDAF. Nu’ng oposisyon ako, wala akong PDAF. So wala siyang interes na maging close sa akin dahil wala siyang mapapala sa akin,” pahayag ni Pangulong Aquino sa panayam sa Diamond Hotel kahapon.
Kabilang si Aquino sa ilang mambabatas na hindi nakatanggap ng PDAF noong administrasyong Arroyo dahil sila’y mga kritiko ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
(ROSE NOVENARIO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com