Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

B. Pineda may prangkisa ng Jueteng sa Luzon

SI Mr. RB Pineda na taga-Lubao, Pampanga at kamaganak umano ni Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda ang umano’y isa sa dalawang “PINAGPALANG TAO” na may prangkisa ng ilegal na sugal na jueteng sa buong Luzon.

Kinompirma ito ng ating source mula sa Games and Amusement Board (GAB) na takot na takot dahil sa umano’y pagkakabulgar ng pagtanggap ng nasabing tanggapan ng ‘payola’ money mula sa ilegal na sugal partikular na ang jueteng.

Lahat umano ng mga naglabasang mga balita sa pahayagan ay sa kanya (source) na umano ibinibintang ni Atty. Ermar Benitez na siyang hepe ng Anti-Illegal Gambling Unit ng GAB.

Si Benitez din ang hepe ng legal department ng GAB na pinamumunan naman ni Chairman Juan Ramon Guanzon.

Sa hiwalay na panayam ng inyong lingkod kay GAB Commissioner Aquil Tamano, itinanggi niya na may striking unit ang GAB laban sa illegal gambling. Sinabi niya na iniaasa na lamang nila sa PNP at iba pang law enforcement units ang paghuli sa mga illegal gambling operators lalo sa operasyon ng jueteng.

Salungat ito sa pahayag ng tanggapan ni Chairman Guanzon at sa Personnel Department ng GAB na kapwa kinompirma ang presensiya ng AIGU o striking unit ng GAB.

Si Tamano at Benitez na kapwa abogado ay parehong miyembro ng SIGMA RHO Fraternity na kinaaaniban din ni Senator Sonny Angara na chairman naman ng Senate Committee on Games and Amusement.

What a coincidence hindi po ba?

Ang tatlong magkaka-brod ay pare-parehong may awtoridad sa pagsugpo ng ilegal na sugal ngunit pare-parehong NGANGA sa paglaban dito.

Hehehe, talagang nakatutuwa at ang saya-saya ng jueteng!

Bukod kay Pineda na sinasabing may P300 libo weekly ‘payola’ sa GAB.

Si Pineda umano ang isa sa pinakamalaking gambling lord ng bansa.

Kinompirma ito ni Dagupan-Lingayen Archbishop Emeritus Oscar Cruz na nagsabing mahigit tatlong dekada nang namamayagpag ang operasyon ng lotteng at jueteng nina Rene Imperial, Tony “Bolok” Santos, Lito Motor, Ver Bicol, Pinong, Gina Gutierrez, Don Ramon, Viceo Manila, Tony Francisco, Edwin Olazo, Luding Bongaling, Joy Jueteng, Toto Lacson, Paknoy Pricenedi Pulis, Cris at Rose, Edna/Enteng, Sabile at Tita Dinglasan.

Wala rin umanong keber dito ang administrasyong Aquino lalo na ang DILG sa pamumuno ni Mar Roxas at ng PNP ni Director General Alan Purisima.

Susmaryosep!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “Target On Air “ Monday – Friday 2:00 – 3:00 pm. Mag-txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rex Cayanong

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …