Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hustler sa tong-its kritikal sa tarak ng 2 talunan

DAHIL hindi matalo-talo sa tong-its, pinagtulungan saksakin ang isang obrero ng dalawang suspek habang pumipinta ng baraha sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kritikal sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang si Matt Vicente, 31-anyos, ng 206 Barrio Bitik, Brgy. Gen T. De Leon, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Esmeraldo Ocenar, 39, mekaniko, at Tommy Cases, nasa hustong gulang, kapwa ng  60 Kapisanan ng Anak ng Dalita Compound, Serrano St., Brgy. Marulas, nahaharap sa kasong frustrated murder.

Nabatid, maaga pa’y nakikipag-tong-its ang biktima kalaban ang mga suspek hanggang talunin at ubusin ni Vicente ang pera ng mga kalaban.

Sa salaysay ng isang testigo, umalis ang mga talunang suspek pero agad bumalik,  pinagmumura si Vicente saka pinagsasasaksak.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …