Friday , November 22 2024

Mag-aama, 1 suspek todas sa granada (4 sugatan)

BACOLOD CITY – Apat ang namatay kabilang ang dalawang bata, habang apat ang sugatan sa pagsabog ng granada sa lalawigan ng Negros Occidental.

Kinilala ang mga namatay na sina Karen Tangian, 11; Mary Michelle Tangian, 5, at ang kanilang ama na si Melvin Tangian, at si Dagul Domingo.

Habang patuloy na ginagamot sa Western Visayas Regional Hospital sa lungsod ng Bacolod ang mga sugatan na si Marilou Bustamante Tangian, 39, ina ng dalawang batang namatay, at iba pang mga anak na sina Kevin, 3; Rica, 8, at Melvin Jr., 10. Ayon kay punong barangay Ruby Libuna, nangyari ang insidente dakong 12 a.m. nang lasing na pumasok sa bahay ng pamilya Tangian ang suspek na si Domingo, kabilang sa mga namatay, habang dala ang isang granada.

Sa salaysay ni Marilou, nag-uusap ang kanyang asawa at si Domingo sa itaas ng kanilang bahay nang biglang may maghagis ng granada na agad sumabog.

Sinasabing tumalon si Domingo ngunit nahulog ang dala niyang granada dahilan upang sumabog din na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *