Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NHA chief, sinisi sa “lakas ng loob” ng land grabbing syndicate

Kinondena ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) si National Housing Authority (NHA) general manager Chito Cruz sa pagbalewala sa kahilingan ng mga residente ng Cogeo at Pagrai na ihabla at palayasin ang mga land grabber  sa Antipolo City para matigil ang pagpaslang sa mga homeowners president.

Ayon kay 4K president Rodel Pineda, nakipagkasundo ang NHA sa ilang Homeowners Association Inc. (HOAI) para pangasiwaan ang lupain sa Cogeo area na pag-aari ng ahensiya at nasa ilalim ng Office of the President pero wala itong ginawang aksiyon para ipagtanggol ang pangulo ng mga HOAI  laban sa hinihinalang hired killers na pinamumunuan  ng isang dating opisyal ng pulisya.

“Mula noong 2007, marami nang pinatay ang mga tauhan nitong si alyas Apol pero bakit walang naaresto ang pulisya at hindi naghabla ang NHA para magiba ang sindikato ng land grabbers sa Cogeo?” diin ni Pineda. “Totoo bang may taga-NHA, taga-City Hall at media people na naka-payola sa sindikato ng land grabbers?”

“At bakit natatakot ang mga tauhan ni Cruz na habulin ang land grabbers sa Cogeo at Pagrai gayong nasa ilalim sila ng opisina ni Pangulong P-Noy?” dagdag sa pahayag ng 4-K. “Marami nang nagbuwis ng buhay sa Pagrai pa lamang pero bakit inutil ang Antipolo Police na maaresto ang mga suspek?”

Nagbanta ang 4K na irereklamo sa Malakanyang ang pagbalewala ng NHA sa kahilingan ng mga residente sa Cogeo area na patuloy dinadahas ng sindikato ng land grabbers para matigil ang demolisyon ng mga bahay na itinatayo kahit sa creek at bangin. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Archi Adamos Arron Villaflor Pater Noster

Pater Noster hitik sa aksiyon, pagiging ama tinalakay

HARD TALKni Pilar Mateo PALABAS na sa mga sinehan ang Pater Noster na nagkaroon ng premiere kamakailan. …

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …

Setting the scenes for Mindanaos main characters at SM Supermalls

 Setting the scenes for Mindanao’s main characters at SM Supermalls

Let’s be honest, Mindanao–we’ve never been background characters. There’s a certain confidence in the way …