Thursday , June 4 2026

“Recall petition” vs Bulacan governor tuloy!

TULOY ang pagrerebisa ng Commission of Elections sa “recall petition” matapos ma-lift nitong Biyernes ang inihaing temporary restraining order (TRO) na hiningi ni Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, walang jurisdiction  ang Regional Trial Court sa Comelec at irregular ang TRO na inilabas ni 2nd Vice Executive Judge Albert Fonancier.

Matatandaang isinampa noong April 28, 2014 sa Commission on Election ang “recall petition” sa pangunguna ni Perlita Mendoza laban kay  Alvarado dahil sa kawalan ng tiwala ng mga Bulakenyo matapos ma-bulgar ng Commission on Audit ( COA) ang mga iregularidad at katiwalian sa paggastos sa pondo ng lalawigan.

Ang petisyon ay si-nuportahan ng  319,707 lagda ng mga Bulakenyo. Kung pagbabasehan ang batas, kailangan lamang ng 183,069 lagda mula sa 1,830,698 voting age po-pulation ng lalawigan ng Bulacan upang mapaalis sa pwesto si Gob. Alvarado. Ang recall petition na ito ang kauna- unahan sa kasaysayan ng Bulacan.

Agad nakakuha ng TRO si Alvarado na tumagal ng 72 hours at nagtapos nung biyernes.

Nagsampa rin ng reklamo si Mendoza laban kay Judge Fonancier sa Korte Suprema upang kwestyonin ang ginawang mabilisang aksyon kaugnay ng pagpapatigil sa Comelec sa pag-usad ng “recall” na umano ay bahagi upang hindi matuloy ang proseso.

Sa recall petition ng mga Bulakenyo, iyon ay nag-usbong sa COA audit report noong 2012 na mayroon P200.25 milyon ang hindi naiulat sa paggamit ng intelligence fund, P5 mil-yon koleksyon na walang ulat, P89.97 milyon sobrang pagpapamudmod sa non-government organizations, kaduda-dudang paglustay ng P10 milyon mula sa Special education Fund (SEF), P331 milyon ilegal na paggastos ng pondong pangkaunlaran, P6.7 milyon non-remittance ng buwis ng empleyado, contractor at supplier.

Si Alvarado ay sinampahan din ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman batay sa nabulgar na katiwalian ng COA.

Samantala, nag-rally nitong Biyernes ang mahigit 300 Bulakenyo sa RTC ng Bulacan upang kondenahin  ang pagpapatigil sa Commission on Elections sa pag-usad ng proseso ng “recall petition” laban kay Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …