PATAY ang barangay kagawad nang barilin sa loob ng kanyang bahay habang natutulog katabi ang anak, sa Binondo, Maynila, iniulat kahapon.
Binawian ng buhay bago idating sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang biktimang si Jesus Lita, 54, Barangay Kagawad ng Barangay 288, Zone 26, Binondo.
Sa ulat, inilarawan ang suspek na 5’4″ ang taas, katamtamang pagangatawan, naka-asul jacket at puting jogging pants, naka-helmet at armado ng ‘di nabatid ng kalibre baril.
Sa imbestigasyon ni P02 Michael Maragun ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 3:00 a.m. naganap ang krimen nang pasukin ng riding in tandem sa loob ng bahay ang biktima sa 565 Valderama st., Binondo.
Nabatid, magkatabing natutulog ang biktima at kanyang anak na si Joshua Lita, na nagi-sing sanhi ng dalawang putok ng baril, kaya agad siyang humingi ng saklolo para madala sa nabanggit na pagamutan ang ama. Ang biktima ay nasugatan sa kaliwang tiyan at kaliwang braso sanhi ng kanyang kamatayan.
(leonard basilio, Camille I. Bolos, Nikki-Ann Q. Cabalquinto, Antonio C. Maaghop jr., Bhenhor M. Tecson, Lara Liza M. Singson)