Thursday , June 4 2026

Vitangcol idiniin pa ng Czech diplomat sa extortion

NAGSALITA na si Czech Ambassador to the Philippines Josef Rychtar tungkol sa sinasabing $30 milyong tangkang pangingikil ng isang opisyal ng Metro Rail Transit (MRT) sa isang Czech company para makuha ang kontrata sa pagbili ng mga bagong bagon para sa MRT III.

Sinabi ni Rychtar na sa kanyang bahay naganap ang pagpupulong nila ni MRT General Manager Al Vitangcol III para pag-usapan ang pagkuha ng Czech company na Inekon Group ng kontrata para sa supply ng mga bagong bagon.

Kasama aniya ni Vitangcol ang ilan pang tao sa pagpupulong na naganap noong Hulyo 2012. Dito aniya naganap ang paghingi ng grupo ni Vitangcol ng $30 milyon para makuha ang kontrata sa mga bagong bagon ng MRT.

Habang nasa pulong, may tinatawagan aniya sa telepono ang kasamang tao ni Vitangcol.

“In the discussion they had to consult, only this person can decide, Mr. Vitangcol is the head of the MRT…I think that he’s behind this corruption,” pahayag ng embahador.

Nang tanungin ang opisyal kung sa tingin niya ay may nagbibigay ng proteksyon kay Vitangcol na humahawak ng mataas na posisyon sa gobyerno, tugon ni Rychtar:

“If you follow all the case, if you follow all the problems arising now in the MRT, you can see that Vitangcol has a very very firm position. And nothing can move his chair, so I think that he is covered, he’s protected,” anang diplomat.

Ani Rychtar, isinumbong niya kay Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Jun Abaya ang nangyari ngunit inabswelto ng ahensya si Vitangcol sa naging resulta ng imbestigasyon dahil sa kawalan ng ebidensya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …