Thursday , June 4 2026

Fake money ring nalansag, 2 arestado

PINANINIWALAANG nalansag ng mga awtoridad ang sindikato na nagbebenta ng pekeng pera makaraan maaresto ang dalawang miyembro nito sa police sting operation sa Taguig City.

Ayon sa Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group kahapon, ang dalawang suspek ay nadakip habang nagbebenta ng 100 piraso ng pekeng P500 bills sa C5 Road, Phase 2, Taguig City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Violeta Bendijo at Virgilio Bocaba.

Sinabi ni CIDG Anti-Organized Crime Division head, Supt. Alexander Tagum, nakatanggap sila ng anim pekeng pera sa iba’t ibang denominasyon nitong Pebrero.

Isinumite ng team ang bills sa Currencies and Communication Division ng Currency Issue and Integrity Office para masuri, at nabatid na peke ang nasabing pera.

Sina Bendijo at Bocaba ay kinasuhan sa Taguig City prosecutor’s office ng “illegal possession and use of false treasury or bank notes and other instruments of credit.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …